Thursday, April 8, 2010

Bantakay Falls (Atimonan,Quezon)



Natupad din sa wakas ang matagal ko ng binabalak na makapunta sa Bantakay Falls sa Atimonan. Taga dito ako pero ni minsan eh hindi ko pa napuntahan ang Bantakay Falls, talo pa yata ako ng mga taga ibang lugar dahil napuntahan na nila ito. Nakatanggap ako ng text mula sa isang member ng Atimonan Online community na nag-iinvite na pumunta sa Bantakay Falls. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na pumayag sa pag-punta ng Bantakay. Sabado de Glorya ang akyat namin ng Bantakay, ang meeting place eh sa harap ng simbahan ng Atimonan, 6:30AM ng umaga ang umpisa ng hintayan at aalis ng 7:30AM.



Eto yung Atimonan Church.

Pagkatapos makumpleto ang iba pang miyembro ng Atimonan Online eh sumakay na kami sa Jeep papuntang Bantakay. Medyo namimiss ko na yung ginagawa ko during high school days kaya ako sumakay sa bubong ng Jeep. Mula Atimonan town proper papuntang Barangay Sta. Catalina (Drop off going to Bantakay) eh sa bubong ng jeep ako nakasakay. Sa Diversion road dumadaan ang jeep papuntang Brgy. Sta. Catalina, medyo nasa may gitnang bahagi ng Diversion Road ang Barangay Sta. Catalina. Makikita ang dalawang signage na eto papuntang Bantakay. Kapag South boand eh nasa right side eto, left side naman kapag north bound.





Habang naglalakad kami going to Bantakay eh meron pa kaming nakitang ahas, di ko alam kung anong klaseng ahas to, basta meron syang kinakain na palaka.



Almost 2 hours na lakad at narating namin ang Bantakay Falls (sa wakas nakarating din).



Eto ang ilan sa mga pictures ng Bantakay, medyo mahina and tubig ngayon dito kung ikukumpara dati. Marahil dahil summer ngayon at panahon ng El Nino. Ang isa pang sinasabing dahilan eh dito na daw ngayon kinukuha ang tubig na nagsusupply sa bayan ng Atimonan. Kaya humina ang tubig eh sa ibabaw ng talon kumuha ng tubig, yung isa sa pinakamalaking source ng tubig ng talon ang ginamit nila.







Eto pa yung ilan sa mga pictures ng Bantakay Falls. Mga bandang ala una ng hapon eh nagyaya na ako pabalik, meron kasing meeting ang Batch 94 sa OLAA (high school). Sinamantala ko na din ang pagkakataon dahil merong isang guide na pabalik na din.



Eto yung bundok kung saan nandoon ang Bantakay Falls, sa parteng baba nito matatagpuan ang talon. Yan lang po ang update ng blog ko ngayon. Sana eh nagustuhan nyo. Enjoy the pics.

3 comments:

  1. namiss ko din iyan...

    ReplyDelete
  2. mary joy belarminoMarch 7, 2011 at 2:00 PM

    gusto koh rin makarating dyan....

    ReplyDelete
  3. sarap mag night swimming dyan.

    ReplyDelete