Saturday, August 9, 2008

Atimonan Tagultol Festival 08



Ginaganap tuwing unang araw ng Agosto ang Tagultol Festival sa Atimonan, Quezon. Ang salitang "tagultol" ay hango sa lumang pamamaraan ng pangingisda ng mga atimonanin. Nagmula ito sa salitang atimonanin na "ugtol" na ang ibig sabihin sa salitang english ay "bounce". Hindi malinaw sakin kung paano ginagawa ang ganitong pamamaraan ng pangingisda pero ayon sa wikipedia ay ganito nila ito ginagawa. "Tagultol fishing consists of a rectangular stone tied at the end of abaca strings dip in honey. Thorns of calamansi & similar plants with bait were tied 2 feet above the stone before dipping in water and moved in a bouncing movements. "



Ang pagdiriwang ng tagultol ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasayaw sa kalye. Ibat ibang palamuti ang inilalagay nila sa kanilang damit para maging mas makulay ang okasyon.















At hindi nawawala ang mga higantes na laging kasama sa pagdiriwang ng festival sa Atimonan.



At noong paradang bayan di nakaligtas sa lens ng camera ko etong magandang Atimonanin na nakasakay sa float.



Yan lang po. Enjoy the pics! Sana magustuhan nyo.