Baby Sabine
My very first pamangkin. Baby Sabine together with my sister. the rest of the album can be found here
enjoy
My very first pamangkin. Baby Sabine together with my sister. the rest of the album can be found here
enjoy
Posted by Vincent John at Friday, October 12, 2007 0 comments
nakagala ako nitong month end ng august. kelangan ko kasi ihatid sa brother ko sa seminaryo yung PC, dahil kelangan niya para sa ginagawa nilang projects and research. sinamantala ko na din yung pagkakataon para makapag piktyur piktyur. eto yung bagong gawang simbahan sa Our Lady of the Most Holy Rosary sa Manasa, Lucban Quezon.
at eto naman yung main building ng seminaryo, sama sama na dito yung Dorm, private chapel, classroom, pati yung library at kanilang kainan. tapos na yung building pintura na lang ang kulang.
Pagkahatid ko noong PC eh derecho naman ako sa Saint Alphonsus Seminary, graduation kasi ng mga acolytes and lectors, at isa doon yung father ko. Eto naman yung loob ng chapel ng St. Alphonsus Seminary.
at pagdating ko naman sa aking bayang sinilangan sa atimonan eh eto ang aking naabutan,
panahon na pala ng rambutan at maraming bunga yung puno sa gilid ng bahay namin. medyo naaliw ako sa pamimitas, di ko akalain na marami na pala yung nakuha ko,
at napansin ko din na meron palang bantay yung puno ng rambutan, kalimitan eh sa puno ng mangga eto makikita pero ngayon eh sa ibang puno ko eto nakita.
yan lang po. sana magustuhan nyo yung mga pics. enjoy!
Posted by Vincent John at Tuesday, September 04, 2007 3 comments
Every first and second day of august ang fiesta ng atimonan, quezon. Nagkaroon ako ng time na makauwi kaya di ko na pinalagpas ang pagkakataon na makapagpicture para magkaron naman ng update ang blogsite ko na medyo matagal na ding natutulog. Kalahati na lang ng parade ang naabutan ko dahil sa napakabagal ng bus na nasakyan ko pauwi ng atimonan, papatay-patay pa ang aircon. me mga shots din ako during the tagultol street dancing competition na ginanap sa campo rizal. at ang di ko inasahan eh ang makasama sa karakol. iniikot ang santo sa lamon bay sakay ng bangka. nagkataon kasi na me nakita akong kakilala na nagpasakay sakin sa bangka. first time kong makasakay ng bangka at hindi pa naman ako marunong lumangoy. pero lakasan lang ng loob, makapag picture lang... hehehe. eto yung link sa mga pictures ko during the two day festivites. ->
http://jovitvillamena.multiply.com/photos/album/6
sa multiply ko naupload. enjoy the pics
Posted by Vincent John at Sunday, August 05, 2007 0 comments
Medyo matagal na ding natutulog etong blogsite ko(more than a month na) mukhang kelangan na talaga ng update. Mabuti na lang at nabigyan ako ng pagkakataon na makasama sa villa escudero. Nagbakasyon kasi ang family ng tito ko at pumunta sila ng villa Escudero, kaya sumama na din ako para makapagpicture naman.
Matatagpuan sa boundary ng laguna at quezon ang villa escudero, yung kalahati sakop ng San Pablo, Laguna yung kabila sa Tiaong, Quezon naman.
Eto yung Simbahan sa loob ng villa Escudero na ginawa na lang museum.
Matatagpuan sa loob nito ang mga collections ng familia escudero. Mula sa ibat ibang mga santo, mga old religious artifacts, mga pinatuyong hayop, insekto at paru paro. Mga artifacts ng World War II. Pati love letter ng kanilang ninuno meron sila. Basta marami, eto siguro ang dahilan kaya medyo mahal ang entrance dito.
Sa loob ng villa escudero eh paragos na hila ng kalabaw ang means of transportation. Kaya kung gusto mong lumipat from museum papunta sa swimming area eh sasakay ka dito.
At habang lumalakad yung kalabaw eh merong nanghaharana sa likod mo, na kumakanta ng mga lumang awitin. Pwede pang mag request kung gusto mo.
Eto yung swimming area. Di ako naligo, pero noong last na punta ko dito eh mainit daw ang tubig parang jacuzzi, ewan ko lang ngayon.
Kapag nagwasa ka nang magswimming eh pwede ka sumakay sa bamboo raft at mag fishing dito sa Lake Labasin.
Kapag gusto mong magfishing eh mas maganda na magdala ka ng sarili mong pain, yung binibigay nila eh tinapay lang... ayaw kainin ng mga isda. Mas gusto ng mga isda eh bulate(earthworm).
Eto naman yung Hydro Electric Power Plant ng familia Escudero. Hindi na yata to gumagana.
Eto yung man made na Labasin Falls, first time na punta ko dito eh eto yung dining area. Kaya me mga lamesa sa gitna ng ilog. Hindi na ngayon dito pinapakain ang mga guest nila dahil umuulan daw. Pero kung gusto mong dalhin yung pagkain mo dito eh Ok lang naman. Kunting ingat nga lang dahil sobrang dulas ng daan.
Ilaw sa loob ng dining area.
Painting yata to, di ko alam nagandahan lang ako kaya ko piniktyuran
Bulaklak...
Lamp post...
Sa harap naman eto matatagpuan mga lumang gamit pandigma ng World War II.
Eto naman yung ancestral house ng mga Escudero. Bawal pumasok dito.
Nakita ko lang to sa garden...
At eto yung Entrance...
Baliktad yata... hehehe.. ah basta yan na yun. sana magustuhan nyo.
Enjoy...
Posted by Vincent John at Tuesday, June 26, 2007 4 comments
Isa sa pinakasikat at makulay na festival sa pilipinas ang "PAHIYAS" sa lucban, quezon. dinadayo eto maging ng mga turista. Ang pahiyas ay isinasagawa bilang pasasalamat ng mga taga lucban quezon sa kanilang patron saint si san isidro labrador, sa pagbibigay ng masaganang ani. ipinagdiriwang ito every may 15. Masasabing isa sa pinakamakulay dahil sa nilalagay nilang palamuti ang ibat ibang aning gulay at pananim mula sa kanilang sakahan. Isa na sa nagpapatingkad ng kulay dito ay ang kiping. Ang kiping ay mula sa giniling na bigas ng inilalagay sa dahon at pinapatuyo. mula dito ay gumagawa na sila ng mga ibat ibang disenyo kagaya ng mga larawan sa baba.
Eto naman mga larawan sa baba yung mga aning gulay ng mga taga lucban, ginawa ring palamuti sa harap ng kanilang mga bahay.
etong larawan sa taas eh yung kakaibang kamatis... maliit po sya. "kamatis ibon" daw eto kung tawagin ng mga taga lucban. paboritong kainin daw eto ng mga ibon.
ang sumunod na pictures eh yung mga bahay na nilagyan ng ng palamuti o pahiyas.
kung ikukumpara mo ang pahiyas ngaong taong 2007 ay hindi gaanong masaya kumpara ng mga nakaraang taon. marahil dahil kakatapos lang ng eleksyon. merong mga ilang bahagi ng taunang parada ang hindi ko nakita ngayon, kagaya ng mga higantes, kukunti lang ang mga sagala. wala rin yung mga kabayo. wala din ang mutya ng lukban. hindi rin gaanong napupuno ng tao ang kalsada, pabor naman para sakin para makakuha ng magandang larawan ng mga pahiyas sa mga bahay bahay.
eto naman yung mga nagagandahang binibini ng lucban...
eto naman yung famous lucban church
at ang sikat na longganisang lucban
Pagkatapos kung mag picture sa bayan ng lucban eh napagpasyahan ko na bisitahin na rin ang sikat na healing center ni FR. Faller ang "Kamay ni Jesus". Nasa labas lang ng bayan ng lucban ang healing center na eto. eto yung ilang larawan mula sa "kamay ni jesus".
Enjoy the pics...
Posted by Vincent John at Wednesday, May 16, 2007 3 comments