Revisiting Villa Escudero
Medyo matagal na ding natutulog etong blogsite ko(more than a month na) mukhang kelangan na talaga ng update. Mabuti na lang at nabigyan ako ng pagkakataon na makasama sa villa escudero. Nagbakasyon kasi ang family ng tito ko at pumunta sila ng villa Escudero, kaya sumama na din ako para makapagpicture naman.
Matatagpuan sa boundary ng laguna at quezon ang villa escudero, yung kalahati sakop ng San Pablo, Laguna yung kabila sa Tiaong, Quezon naman.
Eto yung Simbahan sa loob ng villa Escudero na ginawa na lang museum.
Matatagpuan sa loob nito ang mga collections ng familia escudero. Mula sa ibat ibang mga santo, mga old religious artifacts, mga pinatuyong hayop, insekto at paru paro. Mga artifacts ng World War II. Pati love letter ng kanilang ninuno meron sila. Basta marami, eto siguro ang dahilan kaya medyo mahal ang entrance dito.
Sa loob ng villa escudero eh paragos na hila ng kalabaw ang means of transportation. Kaya kung gusto mong lumipat from museum papunta sa swimming area eh sasakay ka dito.
At habang lumalakad yung kalabaw eh merong nanghaharana sa likod mo, na kumakanta ng mga lumang awitin. Pwede pang mag request kung gusto mo.
Eto yung swimming area. Di ako naligo, pero noong last na punta ko dito eh mainit daw ang tubig parang jacuzzi, ewan ko lang ngayon.
Kapag nagwasa ka nang magswimming eh pwede ka sumakay sa bamboo raft at mag fishing dito sa Lake Labasin.
Kapag gusto mong magfishing eh mas maganda na magdala ka ng sarili mong pain, yung binibigay nila eh tinapay lang... ayaw kainin ng mga isda. Mas gusto ng mga isda eh bulate(earthworm).
Eto naman yung Hydro Electric Power Plant ng familia Escudero. Hindi na yata to gumagana.
Eto yung man made na Labasin Falls, first time na punta ko dito eh eto yung dining area. Kaya me mga lamesa sa gitna ng ilog. Hindi na ngayon dito pinapakain ang mga guest nila dahil umuulan daw. Pero kung gusto mong dalhin yung pagkain mo dito eh Ok lang naman. Kunting ingat nga lang dahil sobrang dulas ng daan.
Ilaw sa loob ng dining area.
Painting yata to, di ko alam nagandahan lang ako kaya ko piniktyuran
Bulaklak...
Lamp post...
Sa harap naman eto matatagpuan mga lumang gamit pandigma ng World War II.
Eto naman yung ancestral house ng mga Escudero. Bawal pumasok dito.
Nakita ko lang to sa garden...
At eto yung Entrance...
Baliktad yata... hehehe.. ah basta yan na yun. sana magustuhan nyo.
Enjoy...
thanks for your beautiful photos at villa escudero. our family is planning to go there and seeing your blog gave me so much info. thanks again. continue to take photos, may talent ka. simple things photographed beatifully.
ReplyDeletetnx, sa photos and ideas about villa escudero, may nagawa akong powerpoint presentation na assignment ng crush ko. hehehe, don't worry i included you in my sources.. nice shots... btw, anu ba gamit mong camera?ge, good luck.
ReplyDeletethanks anonymous for visiting my blog. i'm using Canon Powershot S3 on those shots.
ReplyDeletethank you for the info and the pics. :D
ReplyDeletenow, i've got a lot of ideas about the villa.
i can start doing now my project.. i will include you on the list of my source. thank's po. god bless!