Saturday, February 9, 2008

Kakaibang TRIP



Every time na umuuwi ako sa Atimonan eh nadadaanan ng sinasakyan kong bus ang "zigzag road", "bitukang manok" ang tawag ng iba, meron ding "eme road" ang tawag. Ngayon medyo kakaiba ang trip ko dahil dadaan ako ng zigzag pero di nakasakay sa bus, lalakarin ko from km. 153 to km. 158 ahon at lusong sa bundok ang trip ko ngayon.



Kunting lakad pa lang papasok ng zigzag eh makikita mo na tong malaking punong kahoy na tumumba sa daan.




Dito po siya nanggaling, eto yung kadugtong ng tumbang punong kahoy.

Inabutan pa ng ulan sa paglalakad, sumilong na lang sa mga gilid ng daan na medyo malago ang dahon ng mga puno. walang piktyur dahil baka masira ang camera ko... hehe..



Buti pa tong mga batang to dahil meron makeshift na masisilungan umulan man at umaraw.



Meron mga batang makulit, pilit nagpapapiktyur di naman nangiti... hehehe...





Hanggang makarating sa lugar na eto kung saan merong kakaibang traffic rules. "KEEP LEFT" opo tama kayo nasa pilipinas tayo pero dito sa part na eto ng zigzag eh yan ang traffic rules.





Meron tinatawag na magnet hill dito sa zigzag road. kung mapapansin nyo dito sa piktyur eh pababa ang daan. try nyo magstop a few meters away from. km 155 then lagay nyo sa neutral ang gear, pababa yung daan pero di ka mahihila pababa, aakyat yung sasakyan nyo. meron scientific explanation dito pero di ko muna sasabihin to keep the magic alive. kung alam nyo na eh wag na lang nating sabihin doon sa mga di pa nakaexperience ng magic ng "magnet hill".



Madadaanan mo tong entrance paakyat ng "Pinagbanderahan" di ko na lang sinubukang akyatin dahil malinawanag ang nakalagay "2KM na akyat na naman to" ayaw ko na, sakit na paa ko... hehe





Meron din park sa gitna ng zigzag para makapagpahinga yung mga sasakyang dumadaan dito. meron pa silang alagang unggoy.



At dahil umulan noong time pa paakyat pa lang ng zigzag, nagkakaroon ng maliliit na talon.





lakad at lakad pa din pababa na ng pababa, pero pasakit na ng pasakit ang paa ko... wheww.... more than 5km na yata ang nilakad ko...



Hanggan sa maabot na ang pinakababa ng zigzag at matapos ang kakaibang trip ko.

Friday, February 1, 2008

Sunset at Manila Bay



Medyo matagal na din akong naninirahan dito sa metro manila pero ni minsan ay di ko pa nasubukan na panoorin ang sunset at manila bay. Kahapon naimbitahan akong mag photoshoot sa manila bay ng kaibigan ko. Dala ko ang aking good old camera, my beloved CANON S3IS (walang pambili ng DSLR..hehe..), pumunta na kami ng manila bay para maghintay ng sunset. Sadyang maganda nga pala ang sunset at manila bay. Halos lahat ng upuang pang pampubliko na sadyang ginawang nakaharap sa dagat ay puno na. Nagtyaga na lang maupo sa gilid ng sea wall habang naghihintay ng sunset.



habang unti unting papalubog...



ng papalubog...



ang araw... at dumaan pa ang barkong ito...



mabuti pa ay hintayin naman nating dumilim...



ng dumilim...



ng dumilim...



para makapag night shot na tayo ng pier...



at mga fastfood...



pati na din itong fountain...



at rumaragasang mga sasakyan...



kalita't kanan...


pagkatapos ay tumawid sa kabilang kalsada... tuloy uwi... hehehe... sana nagustuhan nyo ang post kong pics ngayon...