Saturday, October 4, 2008

I'm a CUBER...


Eto ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon... CUBES... kaya kunti lang ang update ng blogsite ko, walang gala kaya wala ding pictures. Nag start akong mag solve ng cube last april 2008, nag umpisa ako sa bangketa 3X3 cube. Doon ako unang natuto at na hook ng todo sa cubes... kaka addict palang mag solve ng cubes. 1st time ko mag solve ng cube eh up to two sides lang kaya kong masolve. Google at Youtube ang naging teacher ko para makapagsolve all sides ng isang cubes. Sa ngayon eh kaya ko ng masolve ang 2x2, 3x3, 4x4 at 5x5 na cube... and looking to solve 6x6, and 7x7 cubes soon.

here's the pics of the cubes that i am using right now...


My 2x2 rubik's cube...



My 3x3 rubik's cube...



My 4x4 Eastsheen cube...

and last...



My 5x5 Eastsheen cube...

Happy cubing to all... hehehe...

Saturday, August 9, 2008

Atimonan Tagultol Festival 08



Ginaganap tuwing unang araw ng Agosto ang Tagultol Festival sa Atimonan, Quezon. Ang salitang "tagultol" ay hango sa lumang pamamaraan ng pangingisda ng mga atimonanin. Nagmula ito sa salitang atimonanin na "ugtol" na ang ibig sabihin sa salitang english ay "bounce". Hindi malinaw sakin kung paano ginagawa ang ganitong pamamaraan ng pangingisda pero ayon sa wikipedia ay ganito nila ito ginagawa. "Tagultol fishing consists of a rectangular stone tied at the end of abaca strings dip in honey. Thorns of calamansi & similar plants with bait were tied 2 feet above the stone before dipping in water and moved in a bouncing movements. "



Ang pagdiriwang ng tagultol ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasayaw sa kalye. Ibat ibang palamuti ang inilalagay nila sa kanilang damit para maging mas makulay ang okasyon.















At hindi nawawala ang mga higantes na laging kasama sa pagdiriwang ng festival sa Atimonan.



At noong paradang bayan di nakaligtas sa lens ng camera ko etong magandang Atimonanin na nakasakay sa float.



Yan lang po. Enjoy the pics! Sana magustuhan nyo.

Monday, April 21, 2008

My First Published Picture!



Eto ang kaunaunahang picture ko na napublished sa isang local publication sa bayan ng Atimonan. Kuha eto during the celebration of 400th foundation day ng Atimonan. Ang sarap pala ng pakiramdam kapag ang picture mo eh napalagay kahit sa isang local paper lang. Di ko alam kung sino ang pumili ng picture na to, basta nakarecieve lang ako ng text na nag inform sakin kung pwede daw gamitin ang picture ko para sa local paper ng Atimonan. Pumayag naman agad ako at excited din kung alin sa mga picture ko during 400th year celebration ng Atimonan Day ang napili. At eto na nga yun isang picture ng mga "HIGANTES".

Eto yung Atimonan Paper kung saan napublished ang isa sa mga picture ko... Click Here

Many thanks to webmaster of Atimonan Online for uploading the PDF file.

Friday, March 28, 2008

Semana Santa 08 @ Atimonan



Katulad ng mga nagdaang semana santa, sa Atimonan ko na naman ginugol ang bakasyon ko ng semana santa. Medyo matipid pag dito dahil sariling atin ika nga. Nag ikot ikot na lang ako para makapag piktyur piktyur ng kung ano anong subject na makikita ko.



"Shooting the shooter"... teka baliktad yata?... hehe... yung simbahan yata ang subject.





Nabigyan ako ng pagkakataon na makaakyat sa tore ng simbahan para mapiktyuran ang kampana ng simbahan. Salamat na lang sa mabait na sakristan mayor ng Atimonan at pinayagan kaming umakyat sa tore ng simbahan. Yung malaking kampana ay year 1700 pa ginawa, yung isa naman ay 1800 pa ginawa.



Lamon Bay ng Atimonan, Quezon.





Sunset @ Lamon Bay Atimonan.



"Apostoles" sa prusisyon ng biyernes santo.



Atimonan Church at night...

Saturday, February 9, 2008

Kakaibang TRIP



Every time na umuuwi ako sa Atimonan eh nadadaanan ng sinasakyan kong bus ang "zigzag road", "bitukang manok" ang tawag ng iba, meron ding "eme road" ang tawag. Ngayon medyo kakaiba ang trip ko dahil dadaan ako ng zigzag pero di nakasakay sa bus, lalakarin ko from km. 153 to km. 158 ahon at lusong sa bundok ang trip ko ngayon.



Kunting lakad pa lang papasok ng zigzag eh makikita mo na tong malaking punong kahoy na tumumba sa daan.




Dito po siya nanggaling, eto yung kadugtong ng tumbang punong kahoy.

Inabutan pa ng ulan sa paglalakad, sumilong na lang sa mga gilid ng daan na medyo malago ang dahon ng mga puno. walang piktyur dahil baka masira ang camera ko... hehe..



Buti pa tong mga batang to dahil meron makeshift na masisilungan umulan man at umaraw.



Meron mga batang makulit, pilit nagpapapiktyur di naman nangiti... hehehe...





Hanggang makarating sa lugar na eto kung saan merong kakaibang traffic rules. "KEEP LEFT" opo tama kayo nasa pilipinas tayo pero dito sa part na eto ng zigzag eh yan ang traffic rules.





Meron tinatawag na magnet hill dito sa zigzag road. kung mapapansin nyo dito sa piktyur eh pababa ang daan. try nyo magstop a few meters away from. km 155 then lagay nyo sa neutral ang gear, pababa yung daan pero di ka mahihila pababa, aakyat yung sasakyan nyo. meron scientific explanation dito pero di ko muna sasabihin to keep the magic alive. kung alam nyo na eh wag na lang nating sabihin doon sa mga di pa nakaexperience ng magic ng "magnet hill".



Madadaanan mo tong entrance paakyat ng "Pinagbanderahan" di ko na lang sinubukang akyatin dahil malinawanag ang nakalagay "2KM na akyat na naman to" ayaw ko na, sakit na paa ko... hehe





Meron din park sa gitna ng zigzag para makapagpahinga yung mga sasakyang dumadaan dito. meron pa silang alagang unggoy.



At dahil umulan noong time pa paakyat pa lang ng zigzag, nagkakaroon ng maliliit na talon.





lakad at lakad pa din pababa na ng pababa, pero pasakit na ng pasakit ang paa ko... wheww.... more than 5km na yata ang nilakad ko...



Hanggan sa maabot na ang pinakababa ng zigzag at matapos ang kakaibang trip ko.

Friday, February 1, 2008

Sunset at Manila Bay



Medyo matagal na din akong naninirahan dito sa metro manila pero ni minsan ay di ko pa nasubukan na panoorin ang sunset at manila bay. Kahapon naimbitahan akong mag photoshoot sa manila bay ng kaibigan ko. Dala ko ang aking good old camera, my beloved CANON S3IS (walang pambili ng DSLR..hehe..), pumunta na kami ng manila bay para maghintay ng sunset. Sadyang maganda nga pala ang sunset at manila bay. Halos lahat ng upuang pang pampubliko na sadyang ginawang nakaharap sa dagat ay puno na. Nagtyaga na lang maupo sa gilid ng sea wall habang naghihintay ng sunset.



habang unti unting papalubog...



ng papalubog...



ang araw... at dumaan pa ang barkong ito...



mabuti pa ay hintayin naman nating dumilim...



ng dumilim...



ng dumilim...



para makapag night shot na tayo ng pier...



at mga fastfood...



pati na din itong fountain...



at rumaragasang mga sasakyan...



kalita't kanan...


pagkatapos ay tumawid sa kabilang kalsada... tuloy uwi... hehehe... sana nagustuhan nyo ang post kong pics ngayon...