Samut Sari
nakagala ako nitong month end ng august. kelangan ko kasi ihatid sa brother ko sa seminaryo yung PC, dahil kelangan niya para sa ginagawa nilang projects and research. sinamantala ko na din yung pagkakataon para makapag piktyur piktyur. eto yung bagong gawang simbahan sa Our Lady of the Most Holy Rosary sa Manasa, Lucban Quezon.
at eto naman yung main building ng seminaryo, sama sama na dito yung Dorm, private chapel, classroom, pati yung library at kanilang kainan. tapos na yung building pintura na lang ang kulang.
Pagkahatid ko noong PC eh derecho naman ako sa Saint Alphonsus Seminary, graduation kasi ng mga acolytes and lectors, at isa doon yung father ko. Eto naman yung loob ng chapel ng St. Alphonsus Seminary.
at pagdating ko naman sa aking bayang sinilangan sa atimonan eh eto ang aking naabutan,
panahon na pala ng rambutan at maraming bunga yung puno sa gilid ng bahay namin. medyo naaliw ako sa pamimitas, di ko akalain na marami na pala yung nakuha ko,
at napansin ko din na meron palang bantay yung puno ng rambutan, kalimitan eh sa puno ng mangga eto makikita pero ngayon eh sa ibang puno ko eto nakita.
yan lang po. sana magustuhan nyo yung mga pics. enjoy!