Pahiyas 2007
Isa sa pinakasikat at makulay na festival sa pilipinas ang "PAHIYAS" sa lucban, quezon. dinadayo eto maging ng mga turista. Ang pahiyas ay isinasagawa bilang pasasalamat ng mga taga lucban quezon sa kanilang patron saint si san isidro labrador, sa pagbibigay ng masaganang ani. ipinagdiriwang ito every may 15. Masasabing isa sa pinakamakulay dahil sa nilalagay nilang palamuti ang ibat ibang aning gulay at pananim mula sa kanilang sakahan. Isa na sa nagpapatingkad ng kulay dito ay ang kiping. Ang kiping ay mula sa giniling na bigas ng inilalagay sa dahon at pinapatuyo. mula dito ay gumagawa na sila ng mga ibat ibang disenyo kagaya ng mga larawan sa baba.
Eto naman mga larawan sa baba yung mga aning gulay ng mga taga lucban, ginawa ring palamuti sa harap ng kanilang mga bahay.
etong larawan sa taas eh yung kakaibang kamatis... maliit po sya. "kamatis ibon" daw eto kung tawagin ng mga taga lucban. paboritong kainin daw eto ng mga ibon.
ang sumunod na pictures eh yung mga bahay na nilagyan ng ng palamuti o pahiyas.
kung ikukumpara mo ang pahiyas ngaong taong 2007 ay hindi gaanong masaya kumpara ng mga nakaraang taon. marahil dahil kakatapos lang ng eleksyon. merong mga ilang bahagi ng taunang parada ang hindi ko nakita ngayon, kagaya ng mga higantes, kukunti lang ang mga sagala. wala rin yung mga kabayo. wala din ang mutya ng lukban. hindi rin gaanong napupuno ng tao ang kalsada, pabor naman para sakin para makakuha ng magandang larawan ng mga pahiyas sa mga bahay bahay.
eto naman yung mga nagagandahang binibini ng lucban...
eto naman yung famous lucban church
at ang sikat na longganisang lucban
Pagkatapos kung mag picture sa bayan ng lucban eh napagpasyahan ko na bisitahin na rin ang sikat na healing center ni FR. Faller ang "Kamay ni Jesus". Nasa labas lang ng bayan ng lucban ang healing center na eto. eto yung ilang larawan mula sa "kamay ni jesus".
Enjoy the pics...