Welcome to the Christian World
Nanggaling ako kanina sa Malate Church. Binyag kasi ng first baby ng kababata ko sa atimonan, kinuha akong ninong (medyo dumadami na ang inaanak ko). First time kong makita ang malate church, maganda pala talaga ito. Sadyang makaluma ang pagkakagawa dahil 1588 pa ng maitayo ang unang simbahan dito. Na meet ko din ulit ang mga kababata ko at kaibigan na medyo matagal ko din na di nakita (siguro mga ilang buwan din, hehehe). yung ilan ay mga ninong at ninang din.
eto yung bago kong inaanak si gabriel, together with his proud lola. (titser ko po yan noong elementary)
at paglabas ng simbahan me ilang mga kalesa sa sadyang naghihintay ng gustong mamasyal sakay sa kalesa. tatak na talaga eto ng maynila, dahil sa buong metro manila dito ka lang sa lugar na ito palaging makakakita ng mga kalesa. pupunta pa sana ako ng binondo at ongpin para magpicture ng chinese new year celebration (chinese new year pala ngayon, kung hei fat choi...) kaya lang wala na talaga akong time at kinakailangan ko ng pumasok sa trabaho dahil late na late na ako.