Friday, February 16, 2007

Happy birthday Jeff!



bukas magcecelebrate ng birthday ang aking kapatid na si jeff, February 17. kabirthday nya ang isa sa pinakasikat na nba player si michael jordan. After graduation ng highschool nagdecide itong kapatid ko na pumasok sa seminaryo, gusto nya kasing maging pari. lahat kami ay nagulat sa desisyon nya sa pumasok sa seminaryo. noong kasing maliit pa kami ay ako ang gustong papasukin ng lola ko sa seminaryo. pangarap nya kasi na isa sa kanyang mga apo ang maging pari. wala lang talaga siguro ako ng tinatawag nilang "calling" kaya di umobra sakin.



last 2005 lumabas siya ng seminaryo para medyo mag isip kung kaya nya ba talaga ang maging alagad ng simbahan. medyo matagal din siyang nag decide dahil inabot ng dalawang taon bago niya napagdesisyonan na bumalik sa seminaryo. next school year, june 2007 ay babalik na ulit siya sa loob seminaryo para ituloy ang pag aaral.





si jeff ang me alaga ng mga favorite subject ko sa photography na sina niknak at kitkat.

2 comments:

  1. Muntikan kana pala maging pare hindi ko alam yun ahh.Gusto ko yung kuha mo sa doggy dog hehehe.

    ReplyDelete
  2. pwede ka pa namang mag-pari rin ah.

    ganyan ang kulay ng pusa ko noong bata pa ako.

    ReplyDelete